Tuesday, May 31, 2005

ANG WATAWAT NG PILIPINAS

Ang Paglikha ng Watawat
Ang watawat ng Pilipinas ay disenyo ni Heneral Emilio Aguinaldo nang siya’y ipinatapon sa HongKong noong 1897. Ito ay tinahi ni Doña Marcela Marino de Agoncillo, sa tulong ng kanyang anak na si lorenza at ni Delfina Herbosa de Natividad na pamangkin ni Dr. Jose Rizal. Una itong iwinagayway noong ika-12 ng Hunyo 1898 sa Kawit, Cavite nang ipahayag an gating Kalayaan mula sa pananakop ng mga banyaga.

Gawa ito sa seda na mayroong puting tatsulok na paglalarawan ng isang araw na may walong sinag, at bituin mna may limang patulis sa bawat sulok ng tatsulok. Pahalang na nahahati ang watawat ng dalawang kulay: bughaw sa ibabaw, at pula sa ilalim.

Kahulugasn ng kulay at Simbulo
Putting Tatsulok - pagkakapantay-pantay at pagkakapatiran
Asul - kapayapaan, katotohanan at katarungan
Pula - pagiging makabayan at kagitingan
Walong Sinag ng Araw - walong probinsiyang ipinailalim sa
Martial Law
Tatlong Bituin - Luzon, Visayas, Mindanao

Pagbibigay Galang sa Watawat
Ang watawat ay simbulo ng isang demokratikong Republika ng Pilipinas at lahat nang pinanindigan nito. Sa pagbibigay galang at pagmamahal ditto, ipinaaalala natin sa bawat isa na tayo ay may isang disiplinado, maspagtiis, mapagmahal, at masipag na lahi.

Seremonyas ng Watawat
Kailangan simple at kapitapitagan ang seremonyas ng watawat. Palaging awitin ang Lupang Hinirang sa sariling wika saan man naroroon.

Sa Pagtataas ng Watawat
Humarap sa watawat habang itinataas ito. Sa unang nota ng Lupang Hinirang, masiglang hilahin pataas ang watawat. Kailangang magbigay galang sa lahat. Alisin ng mga kalalakihan ang kanilang sambalilo. Ilalagay ang palad sa kaliwang dibdib. Kailangang sumaludo ang mga nasa military, iskauting, o pulisya ayon sa kanilang reputasyon. Kailangang nakasaludo sila hanggang matapos ang pambansang awit.
Kailangang pakaiingatan ang watawat at huwag itong hayaang sumayad sa lupa sa anumang pagkakataon.

Kailangang maghapong nakaladlad ang watawat sa tuwing may mahalagang okasyon tulad ng:
Araw ng Kagitingan (Abril)
Araw ng KAlayaan (Hunyo 12)
Araw ng mga Bayani (huling lingo ng Agosto)
Araw ng Watawat (Mayo 28 – Hunyo 12)
ARaw ni Bonifacio (Nobyembre 30)
Araw ni Rizal (Disyembre 30)
anumang araw na iprinoklamang mahalaga ng Pangulo
kailangang maghapon ding nakawagayway ang watawat sa lahat ng mga pampublikong gusali.

Paano Iladlad ang Watawat
Kapag ito ay nasa pahalang na posisyon:

Ang kulay asul ay palaging nasa itaas sa panahon ng kapayapaan, at pula naman sa panahon ng digmaan.

Kapag ito ay nakasabit nang patayo:
Ang kulay asul ay palaging nasa kaliwa ng mga nagmamasid sa panahon ng kapayapaan at pula naman sa panahon ng digmaan.

Kapag iwinawagayway kasama ng ibang bandila:
Kapag kasama ito ng ibang bandila, iangat ang watawat ng Pilipinas o ilagay sa kaliwa ng nagmamasid. Kung kasama ang iban bandila sa parade ilagay ang watawat sa gitna at nauuna sa ibang bandila.

Ilagay ito sa pinakamahalagang lugar/puwesto at hindi sa ilalim ng isang litrato o tao.

Huwag ilagay ang watawat sa lugar ng bisyo, tulad ng pasugalan at iba pa.

Huwag itong gamitin bilang bahagi okabuuan ng iyong damit.

Kapag tastas o sira-sira na ang watawat, sunugin na lamang ito sa halip na isabit.

Huwag gamitin ang watawat na pantakip o panabing ng istatwa, tapete sa mesa o gawing kurtina.

Ebolusyon ng watawat ng Pilipinas
Watawat ng Rebolusyon. May tatlong K na tumutugon sa Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.
Isa sa mga unang anyo ng watawat ng Katipunan.

Lahat ng watawat ng Katipunan ay may letrang K na nakalutang sa pula upang ipahiwatig ang paghihimagsikan.

Watawat ni Bonifacio. Unang ginamit ito sa Sigaw ng Pugad Lawin noong 23 Agosto 1896. Ito rin ang watawat na gamit ni Andres Bonifacio noong himagsikan 1892-1896.

Opisyal na watawat ng Pamahalaang de Facto. May walong sinag na sumasagisag sa Manila, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, Cavite, at Batangas. Sa gitna ng araw ay ang titik = k ng sinaunang Alibata para sa salitang Kalayaan.

Unang opisyal na rebisyon ng watawat. Noong 17 Marso 1897, binago ang watawat at ito ang ginawang unang opisyal na watawat ng pamahalaan ng Pilipinas at mga pwersa nito sa Kapulungan ng Cavite sa Naic.

Watawat ni Llanera. Gamit ito ni Heneral Mariano Llanera sa San Isidro, Nueva Ecija na minsan ring tinawag ng “Bungo Llanera.” Nakuha raw ni Llanera ang disenyong ito sa “initiation rites” ng Katipunan kung saan ginamit ang itim na sombrero, putting tatsulok at ang mga letrang Z, Ll, B.

Watawat ni Pio del Pilar. Binansagang Bandila ng Matagumpay, ito’y may walong sinag ng araw upang parangalan ng “martial law” ng mga Español.

Watawat ni Gregorio del Pilar. Ito ang kauna-unahang watawat ng Katipunan na gumamit ng tatlong kulay: pula, asul, at itim. GIanamit ito ni del Pilar sa Giyera ng Pasong Balite, Bulacan at sa kanyang huling laban sa Tirad Pass, Ilocos Sur noong 2 Disyembre 1899. Ayon kay del Pilar, ginawa niyang modelo ang watawat ng Cuba na noo’y naghihimagsik laban sa España.

Ang watawat ngayon. Kinuha ng kasalukuyang watawat ang iba’t ibang anyo ng mga nakaraang bandila ng Katipunan. Iwinagayway ito sa balkonahe ni Heneral Emilio Aguinaldo anim na lingo matapos ang labanan sa Manila Bay. Inilabas ni Pangulong Manuel l. Quezon ang Executive Order No. 23 noong 25 Marso 1936 upang isaayos ang kulay at sukat nito.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home